Travel restrictions ng Pilipinas sa 10 bansa, pinalawig pa; Updated list ng green countries, pinagtibay ng IATF
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force na palawigin pa hanggang August 31 ang travel restriction ng Pilipinas sa 10 bansa na may malalang kaso ng Delta variant ng COVID 19.
Ito ay kinabinilangan ng India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang pagpapatupad ng travel restriction ay bahagi ng border control policy ng pamahalaan upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng Delta variant ng COVID19 sa bansa.
Inihayag ni Roque pinagtibay din ng Pangulo ang updated na listahan ng mga itinuturing na green countries o mga bansang hindi malala ang kaso ng Delta variant ng COVID 19 na pinanggagalingan ng mga returning overseas filipino at overseas filipino workers.
Ang mga itinuturing na green countries ay ang Albania, American Samoa, Anguilla, Australia, Benin, Bosnia Herzegovina, Brunei, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Granada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat (British Overseas Territory), New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saint Pierre Miquelon, Slovakia, Sudan and Taiwan.
Vic Somintac