Travel restrictions sa 10 bansa, pinalawig mula Aug. 1- 15, 2021
Upang mapigilan ang transmission ng mas nakahahawang Delta variant, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng travel ban sa 10 mga bansa kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa ilalim ng IATF Resolution no. 130-B, mula August 1 hanggang 15, kasama sa travel ban extension ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand.
Samantala, ipinalabas din ng Malakanyang ang bagong listahan ng green countries o mga bansang nasa low risk na ng Covid-19 kabilang dito ang Albania, Kosovo, Hong Kong, Laos, Hungary, New Zealand, China at iba pa.
Obligado ang mga pasaherong magmumula sa mga nasabing bansa na sumailalim sa 7-day facility quarantine at Covid-19 test sa ika-limang araw.