Travel restrictions sa 32 mga bansa, extended hanggang January 31, 2021
Pinalawig pa ng gobyerno ng Pilipinas, ang pagpapatupad ng travel restrictions sa higit 30 mga bansa, kasunod ng mga ulat ng bagong COVID-19 virus variants doon.
Sa isang pahayag, ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang restrictions na dapat ay aalisin na ngayong araw, ay pinalawig hanggang sa Enero 31.
Sakop ng restriksyon ang sumusunod na mga bansa:
Denmark
Ireland
Japan
Australia
Israel
The Netherlands
China (kasama ang Hong Kong)
Switzerland
France
Germany
Iceland
Italy
Lebanon
Singapore
Sweden
South Korea
South Africa
Canada
Spain
United States
United Kingdom
Portugal
India
Finland
Norway
Oman
Jordan
Brazil
Austria
Pakistan
Jamaica
Luxembourg
Pinalawig ang restriksyon, matapos kumpirmahin ng Department of Health at Philippine Genome Center, na ang UK COVID-19 virus variant ay nakapasok na sa bansa, makaraang magpositibo sa naturang variant ang isang residente ng Quezon City, na umuwi ng Pilipinas mula sa maikling pagbisita sa Dubai.
Ang mga pinoy mula sa mga bansang ito ay pinapayagang makapasok sa Pilipinas, subalit kailangan nilang sumailalim sa screening para sa COVID-19 at i-quarantine ng 14 na araw, kahit negatibo ang kanilang COVID-19 test result.
Liza Flores