Trece Martires City Mayor Melandres De Sagun at anim na iba pa, kinasuhan ng murder at frustrated murder sa DOJ dahil sa pagpatay kay Vice-mayor Alexander Lubigan
Sinampahan ng mga reklamong murder at frustrated murder sa DOJ si Trece Martires City Mayor Melandres De Sagun at anim na iba pa dahil sa pagpaslang kay Trece Martires Vice-mayor Alexander Lubigan noong Hulyo.
Kabilang din sa kinasuhan si Maragondon, Cavite councilor Lawrence Arca, Luis Vasquez Abad Jr, Ariel Fletchetro Paiton, Rhonel Bersamina at dalawang iba pang hindi nakikilala.
Ang kaso ay inihain ng CALABARZON PNP sa pangunguna ni Police Regional Director Edward Carranza at Cavite Police Chief William Segun.
Kasama na naghain ng reklamo ang pamilya ng pinaslang na vice-mayor at ilang mga testigo sa krimen.
Si Lubigan ay tinambangan sa harap ng Korean-Philippines Hospital sa Brgy Luciano noong hapon ng July 7 na ikinasawi nito at ikinasugat ng driver ng bise-alkalde.
Ulat ni Moira Encina