Trece Martires City Mayor Melandres de Sagun no show sa pagdinig ng DOJ sa reklamong murder at frustrated murder laban dito kaugnay sa pagpaslang kay Vice Mayor Alexander Lubigan

 

Inisnab ni Trece Martires City Mayor Melandres de Sagun ang preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Vice Mayor Alexander Lubigan.

Tanging ang abogado lamang ni Mayor De Sagun na si Alexander Nala ang humarap sa DOJ Panel of Prosecutors kung saan hiniling nito na mabigyan sila ng dagdag na panahon para makapagsumite ng kontra-salaysay.

Present naman sa pagdinig ang dalawang iba pang respondents sa kaso na sina Maragondon, Cavite Councilor Lawrence Arca at Rhonel Bersamina pero wala silang abogado at bigo ring makapaghain ng  counter-affidavit.

Binigyan naman ng DOJ ang mga nasabing respondents na magsumite ng kani-kanilang kontra-salaysay hanggang sa October 26 na susunod na hearing sa reklamo laban sa mga ito.

No show din ang iba pang respondents na sina Luis Vasquez Abad Jr at Ariel Fletchetro Paiton kaya padadalhan ang mga ito ng subpoena.

Humarap naman sa DOJ panel ang abogado ng pamilya Lubigan na si Atty Raymund Fortun.

Dumalo rin ang complainant at ang nasugatang bodyguard ng bise alkalde na si Romeo Endrinal para panumpaan sa DOJ ang kanyang affidavit.

Si Mayor De Sagun at ang iba pang respondents ay ipinagharap ng reklamong murder at frustrated murder sa DOJ ng CALABARZON PNP, Cavite Police at ng mga kamag-anak ni Vice Mayor Lubigan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *