Tree Planting Activity isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Libacao, Aklan.
Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Libacao, Aklan.
Pinangunahan ito ng kanilang Tagapangasiwa ng Distrito na si kapatid na Jessie Vicente, kasama ang mga ministro at evangelical workers, maging ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International.
Ito ay bilang paggunita pa rin sa kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ang Kapatid na Eduardo V. Manalo nitong nakaraang sabado, Oktubre 31.
Ang nasabing aktibidad ay isinabay na rin sa pagdiriwang sa ika-55 taong pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Aklan.
Nasa 250 mga binhi ng mga punong kahoy ang kanilang itinanim sa may bilubunduking bahagi ng kanilang bayan.
Isingawa ng mga kaanib ang tree planting activity para makatulong sa kalikasan at mapalago ang kagubatan sa mga kabundukan at maiwasan ang serye ng mga pagguho ng lupa sa tuwing magkakaroon ng mga pag ulan at bagyo.
Hinangaan at ikinatuwa naman ng mga opisyal mula sa Technical Services Division ng DENR-Aklan ang ginawang Tree Planting activity at ang ginagawang pagmamalasakit at pangangalaga sa kalikasan ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa kanilang bayan.
Ulat ni Grace Ann Reyes