Tree planting activity, isinagawa sa Sto. Tomas, Pangasinan
Masaya at matagumpay na naisagawa sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan ang tree planting activity na may temang “Yesterday was seedling, tomorrow it’s growing so today let’s get planting”.
Ang aktibidad na ito ay pinagsama-samang inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas- PNP, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Bureau of Fire Protection, Sangguniang Barangay at pribadong sector.
Hindi rin alintana ng mga kalahok ang masungit na panahon, makabahagi lamang sa pagtatanim ng puno alang-alang sa pangangalaga sa kalikasan.
Nasa 150 puno ng narra ang sabay-sabay na itinanim sa tabing-ilog sa bawat barangay.
Ayon sa mensahe ng Punong-Bayan na si Dickerson Villar, ang ganitong mga aktibidad ay lubhang napapanahon dahil sa sunod-sunod na kalamidad na nararanasan .
Aniya, malaki ang maitutulong nito upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi naman ni Bise Alkalde Timoteo “Dick” Villar, makatutulong ito para mabawasan ang polusyon sa hangin.
Dagdag pa, ang ganitong mga aktibidad ay inaasahang magtutuloy tuloy sa bayan ng Santo Tomas bilang pangangalaga at pagprotekta sa ating kalikasan.
Peterson Manzano