Tree planting, isinagawa ng MMDA at Rotary Club sa Pasay City
Pinangunahan ng Metro Manila Development Authority o MMDA at Rotary Club of Makati chapter ang Tree Planting activity sa MIA Road, corner NAIA Avenue, Pasay City.
Kabilang sa mga dumalo si MMDA Chairman Danilo Lim at mga presidente ng iba’t-ibang Rotary club chapter hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Korea at Taiwan.
Ayon kay Lim, layunin ng nasabing aktibidad na mapaganda at gawing Green City ang kalakhang Maynila at makabawas sa malalang polusyon sa Metro Manila.
Aabot sa 10 libong Palm trees ang inihanda ng MMDA at rotary Club at ang unang isanlibong mga puno ay itinanim nila sa ilang piling lugar sa Pasay City.
Nangako ang MMDA at Rotary Club na ipagpapatuloy nila ang ganitong uri ng tree planting sa mga susunod pang mga buwan.
Babantayan din aniya nila kung naaalagaan ang mga naitanim nilang mga puno.