Trillanes pinabulaanan ang umanoy nilulutong destabilization plot
Mariing itinanggi ni Senador Antonio Trillanes ang mga alegasyon na siya ang nasa likod ng destabilization effort laban sa Duterte administration.
Ayon kay trillanes, wala siyang pinaplano o gagawing kudeta kaya walang dapat pondohan ang sinumang kumpanya o personalidad na iniuugnay sa kanya.
Iginiit ni Trillanes na tinulungan niya sina SPO3 Arturo Lascanas at Edgar Matobato na kapwa nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad para mamulat ang taumbayan sa mga kaso ng karumal-dumal na pagpatay na kinasasangkutan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala si Trillanes sa mga alegasyon nina Lascanas at Matobato kaya wala siyang pakialam kung naapektuhan ang Palasyo.
Kasabay nito, inakusahan naman ni Trillanes ang mining companies kaya hindi maipatupad ang suspension order na nauna nang ipinag-utos ni Secretary Gina Lopez.
Kaibigan aniya nito ang mga drug lord kaya walang naaresto sa Oplan Tokhang at puro mahihirap ang mga napapatay.
Ulat ni: Mean Corvera