TRO sa dalawang contraceptive implant idineklara nang final and executory ng Korte Suprema
Nailagay na sa Book of Entries of Judgement ng Korte Suprema ang inisyu nitong TRO laban sa pamamahagi ng dalawang contraceptive implant na hinihinalang abortifacient.
Batay ito sa sertipikasyon na ipinalabas ni Atty. Basilia Ringol, Deputy Clerk of Court ng Supreme Court Second Division at Chief Judicial Records Officer.
Dahil dito ay idineklara nang final and executory ng Supreme Court ang nasabing desisyon.
Ang entry of judgment ay para sa kasong inihain ng Alliance for the Family Foundation Incorporated.
Una nang pinagtibay ng Korte Suprema ang TRO sa pagpaparehistro, pagbili, recertification at pamamahagi ng Implanon at Implanon NXT.
Nilinaw ng Korte Suprema na hindi sakop ng TRO ang pagproseso sa iba pang family planning supplies na idineklara namang non-abortifacient.
Ayon sa SC, ang kondisyong inilatag nila sa TRO ay para matiyak na mabibigyan ng due process ang panig ng mga petitioner.
Ulat ni: Moira Encina