Tropical Depression Dante, posibleng maging Tropical Storm sa susunod na mga oras pero walang inaasahang landfall event – PAGASA
May kalayuan pa sa ngayon ang sentro ng Tropical Depression Dante.
Sa 11:00 am forecast ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 900 kilometers Silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang hanging aabot sa 57 kph at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 kph.
Bagamat wala pang nakataas na warning signal sa alinmang bahagi ng bansa ay may mga pag-ulan na sa mga rehiyon ng Caraga, Northern Mindanao, Davao at SOCCSKSARGEN.
Wala ring landfall event na magaganap sanhi ng bagyo pero posibleng mahagip ng mga ulan nito ang ilang lalawigan sa Kabisayaan at Silangang bahagi ng Luzon.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa layong 535 kilometers na ito ng HInatuan, Surigao del Sur.
Bukas din, Lunes hanggang sa Martes ng umaga ay may mga pag-ulan na sa ilang bahagi ng Eastern Visayas.