Tropical Depression Gorio, mas lalo pang lumakas – PAGASA

Mas lalo pang lumakas ang Tropical Depression Gorio.

Huling namataan ng PAGASA si Gorio sa layong 440 kilometers Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, maliit naman sa ngayon ang tsansa na ito ay tumama sa kalupaan.

Bukod  sa Bagyong Gorio, umiiral din ang habagat sa Luzon at sa Visayas.

Samantala, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Dahil sa habagat, yellow warning ang umiiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Bataan.

Maari umanong makaranas ng pagbaha sa nabanggit na mga lugar.

Light hanggang moderate na pag-ulan naman ang nararanasan sa General Nakar at Real sa Quezon; Tarlac, Zambales, Laguna at Batangas.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *