Tropical Depression Kiko posibleng maging Low Pressure Area na lamang – PAGASA
Posibleng maging Low Pressure Area na lamang ang Tropical Depression Kiko kapag tinungo nito ang kalupaan pero napanatili pa rin ang kanyang lakas habang tinutungo ang extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, nasa 55 kph pa rin ang lakas ng hangin ng naturang bagyo at pagbugsong 65 kph.
Huling namataan ang Tropical Depression sa layong 350 km east ng Tuguegarao, Cagayan.
Bumilis naman ang bagyo mula 15 kph ay naging 17 kph na ito at nagbago rin ng direksiyon mula West North-West ay naging North West na lamang ito.
Dahil dito hindi na tutumbukin ng bagyo ang Cagayan dahil lumihis na ito at patungong Batanes kaya tinanggal na rin ang Tropical cyclone warning signal sa ilang lugar.
Sa ngayon ay nakataas na lang ang Tropical cyclone warning signal number 1 sa Cagayan, Batanes at Babuyan Group of Island at natanggal na rito ang Ilocos Norte at Apayao.
Samantala, asahan pa rin ang biglaang malakas na pag-ulan sa gabi at madaling araw sa Metro Manila.