Tropical depression Maring bahagyang lumakas habang kumikilos patungong Quezon-Aurora area
Bahagya pang lumakas ang tropical depression Maring habang kumikilos patungo sa Quezon-Aurora area.
Huling namataan ang bagyo sa 80 kilometers North ng Daet, Camarines Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 11 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Aurora o Quezon mamayang hapon o gabi.
Nakataas na ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
Metro Manila
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur
Northern Quezon
Polillo Island
Rizal
Bulacan
Pampanga
Quirino
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Benguet
La Union
Tarlac
Zambales
Bataan
Pangasinan
Laguna
quirino
aurora
Ayon sa PAGASA, dahil sa bagyong maring, makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa, Central Luzon at sa lalawigan ng Pangasinan.
Inalerto rin ang publiko sa posibleng landslide at flashflood.