Tropical Depression Ramon, isa nang tropical storm
Napanatili ng Tropical Depression Ramon ang lakas nito ngunit bahagyang bumilis ang pagkilos.
Ayon sa Pag-asa, huling namataan ang bagyo sa layong 505 kilometro silangan ng Borongan city, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras.
Sa ngayon kumikilos na ang bagyo pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Posibleng mag-landfall ang bagyong Ramon sa Northern Luzon sa November 16 kung hindi ito magbabago ng direksyon.
Nakataas na ang Tropical cyclone wind signal no. 1 sa Catanduanes, Eastern Samar at Silangang bahagi ng Northern Samar.