Tropical Depression Sara kumikilos patungong Mexico matapos mag-iwan ng isang patay at mga pagbaha sa Honduras

Women walk carrying their children in a flooded community during the aftermath of tropical storm Sara, in Tornabe, Honduras, November 17, 2024. REUTERS/Fritz Pinnow

Patungo na sa Yucatan Peninsula ng Mexico ang mabagal na kumikilos na Tropical Depression Sara, makaraang mag-iwan ng malawakang pagbaha sa Honduras at Belize na ikinamatay ng isang tao at nagtulak sa marami upang lumikas.

Sa forecast ng U.S. National Hurricane Center (NHC), si Sara ay hihina habang kumikilos papasok sa Quintana Roo state, ngunit nagbabala na ang ulan sa nasabing lugar ay maaaring magdulot ng baha at mudslides.

A woman stands in front of her house in a flooded community in the aftermath of tropical storm Sara, in Tornabe, Honduras, November 17, 2024. REUTERS/Fritz Pinnow

Sa pagtaya ng Miami-based forecaster, taglay ni Sara ang lakas ng hangin na 35 mph (56 kph), ngunit habang kumikilos ng pa-hilagang-kanluran ay naragdagan ang lakas nito ng 12 mph (19 kph).

Sa huling ulat ng NHC, ang sentro ng bagyo ay natunton na nasa 160 miles (257 km) timog-silangan ng siyudad ng Campeche, Mexico.

People walk along a flooded street during the aftermath of tropical storm Sara, in San Pedro Sula, Honduras, November 17, 2024. REUTERS/Yoseph Amaya

Sa kanilang advisory na ipinost sa social media ay sinabi ng national emergency services ng Mexico, “Don’t take anything for granted! Secure loose objects and everything that could become a projectile.”

Sinabi ng Honduran risk management officials, na mahigit sa 110,000 katao ang naapektuhan ng bagyo, kung saan humigit-kumulang sa 8,000 ang lumikas mula sa kanilang tahanan habang nasa 5,000 ang ni-relocate sa mga shelter.

People stand near a bridge, destroyed by the Bermejo river current, during the aftermath of tropical storm Sara, in San Pedro Sula, Honduras, November 17, 2024. REUTERS/Yoseph Amaya

Naputulan naman ng komunikason ang 1,700 local communities dahil sa patuloy na pagbagsak ng ulan, laluna sa silangan at timugang bahagi ng bansa.

Malamang na naapektuhan din ang ilang coffee farms sa Honduras, na siyang top producer ng Central America, na nasa mabababang lugar sa hilagang-silangan at timog, ngunit wala pang estimate ng pinsala.

People walk near a damaged road during the aftermath of tropical storm Sara, in San Pedro Sula, Honduras, November 17, 2024. REUTERS/Yoseph Amaya

Noong weekend, si Sara ay naglandfall sa Belize, tahanan ng beach resorts, ancient ruins at coral reefs na popular sa mga turista.

Sa isang virtual press conference, sinabi ni Belize Chief Meteorologist Ronald Gordon na nasa 12 inches (30 cm) ng ulan ang bumagsak sa central coastal town ng Dangriga, sa timog ng Belize City, at binigyang-diin ang panganib ng localized flooding.

Bago ito ay inanunsiyo ng Belizean government na suspendido ang mga klase bilang pag-iingat.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *