Tropical Depression Ulysses, lalakas pa sa susunod na mga oras; Inaasahang magla-landfall sa Bicol region sa Miyerkules
Isa nang Tropical Depression ang Low Pressure Area sa Silangan ng Mindanao na pinangalanang Ulysses.
Ayon sa Pag-Asa DOST, huling namataan ang bagyo sa kayong 800 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hanging aabot ng 45 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Kumikilos ito pa Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kph.
Bukas, Martes, inaasahang kikilos ito pa-Hilagang Silangan bago magland-fall sa Bicol Region sa Miyerkules.
Sa susunod na tatlong araw, tinatayang lalakas pa ang bagyong Ulysses bilang isang Tropical storm at Typhoon category naman sa Miyerkules.
Ngayong araw, wala pa namang direktang epekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa pero bukas o Miyerkules ay magsisimula nang maramdaman ang epekto ng bagyo sa bahagi ng Eastern Visayas at Bicol region.
Sa susunod na 24 oras, inaasahan ding magiging katamtaman hanggang maalon ang karagatan sa Eastern seaboard ng bansa kaya magiging mapanganib ang paglalayag lalu na sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
Samantala, ang bagyong Tonyo lumakas pa bilang isang Tropical storm bago ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility kaninang alas-4:00 ng umag.
Inaasahang magpapatuloy ito sa pagkilos pa-Kanluran sa West Philippine sea patungo sa Timugang bahagi ng Vietnam kung saan inaasahan itong magla-landfall bukas ng umaga hanggang hapon.