Tropical Storm Idalia na malapit sa Mexico lumalakas, habang patungo sa Florida
Lumalakas ang Tropical Storm Idalia habang hinahampas ang timog-silangang Mexico ng ulan at hangin, na ayon sa pagtaya ng forecasters ay magiging isang malakas na bagyo bago makarating sa Florida sa linggong ito.
Sinabi ng US National Hurricane Center (NHC), na ang bagyo na hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng Mexico, ay maglalakbay sa kanlurang bahagi ng Cuba at Gulf of Mexico bago makarating sa hilagang-kanluran ng Florida.
Ayon sa NHC, si Idalia ay “lumalakas habang papalapit sa Cuba” at mas malamang na magdala ng “mapanganib na mga storm surge at mga hangin” sa ilang bahagi ng Florida.
Batay sa kanilang advisory, “Idalia is forecast to become a hurricane later today and a dangerous major hurricane over northeastern Gulf of Mexico by early Wednesday.”
Sa pagtaya ng NHC, si Idalia ay tataman sa kalupaan ng Florida alas-7:00 ng umaga (1100 GMT) bukas, Miyerkoles.
Nitong Lunes, si Idalia ay umiikot sa Caribbean, patungo sa hilagang-silangan taglay ang lakas ng hangin na 60-milya o 95-kilometro bawat oras.
Sinabi pa ng NHC, nagpalabas na ng storm surge at hurricane watches sa ilang bahagi ng baybayin ng Florida, kung saan inaasahan ang flash floods.
Nagdeklara na si Governor Ron DeSantis ng isang state of emergency sa 33 counties bilang paghahanda sa pagdating ng bagyo.
Sa Mexican state ng Quintana Roo, tahana ng Cancun at ng iba pang coastal tourist resorts, si Idalia ay nagbagsak ng ulan sa mga huling linggo ng summer vacation.
Inaasahan din ang malakas na mga pag-ulan sa magkabilang bahagi ng silangang Yucatan sa Mexico at western Cuba.