Trough ng LPA, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao; Habagat patuloy na umiiral sa Luzon
Inaasahang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang binabantayang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Sa latest forecast ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 610 kilometers Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang nararanasan sa Visayas at Caraga region sa Mindanao.
Hindi naman inaasahang madedevelop ito bilang isang bagyo sa susunod na 24 oras.
Ang Tropical Storm Lupit naman na nasa labas ng PAR ay huling namataan sa layong 1,756 km Northeast ng extreme Northern Luzon at walang direktang epekto sa bansa.
Samantala, Habagat pa rin ang nakakaapekto sa Luzon na siya namang nagdudulot ng mga pag-ulan sa extreme Northern part partikular sa Batanes at Babuyan islands.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay kalat-kalat na pag-ulan ang nararanasan dahil sa localized thunderstorms.