Trough ng LPA, nakakaapekto sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong araw
Magiging maulap ang papawirin sa ilang bahagi ng Mindanao ngayong araw dahil sa trough ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa Pag-Asa DOST, partikular na maaapektuhan ay ang Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao region at SOCCSKSARGEN.
Nagbabala rin ang Pag-Asa sa mga flashfloods at landslides sa mga nasabing lugar habang may malalakas na pag-ulan.
Samantala, ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay magiging maulap ang papawirin na may mahinang pag-ulan sanhi naman ng Northeast Monsoon o Amihan na nakakaapekto sa Northern Luzon.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maulap ang papawirin na nay mahihinang pag-ulan.
Ang Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao ay magigina bahagyang maulap ang papawirin na may isolated rainshowers at thunderstorms sanhi ng localized thunderstorms.