Trump, sinabing aalis sa White House kapag nakumpirma na ang panalo ni Biden

WASHINGTON, United States (AFP) – Sinabi ni US President Donald Trump, na aalis siya sa White House kapag opisyal nang nakumpirma na si Joe Biden ang nanalo sa eleksyon, ngunit inulit na kailanman ay hindi niya tatanggapin ang pagkatalo.

Tinangkang tutulan ni Trump ang resulta ng November 3 election, kung saan nagpakalat ito ng mga teorya tungkol sa ninakaw na mga balota, at naglunsad pa ng mga walang basehang legal challenges na ibinasura ng mga korte sa magkabilang panig ng America.

Sa pagsagot niya sa mga unang taong ng mga mamamahayag mula noong eleksyon, halos malapit nang tanggapin ng pangulo na isang termino na lamang ang kaniyang ipagsisilbi bago ang inagurasyon ni Biden sa January 20.

Nang tanungin kung lilisanin ba niya ang White House kapag kinumpirma na ng Electoral College ang pagwawagi ni Biden, ay sinabi nitong aalis siya. 

Ngunit kung mangyayari aniya ito ay nakagagawa sila ng isang pagkakamali, at isa aniyang bagay ito na mahirap tanggapin.

Muli ring inulit ni Trump na may malawakang dayaan sa resulta ng eleksyon, ngunit wala pa rin itong maipakitang ebidensya.

Sa isang press conference kahapon, Huwebes na isang Thanksgiving holiday sa US, ay inilarawan ni Trump ang US voting infrastructure na gaya ng sa isang “third-world country.”

Noong Miyerkoles naman ay sinabi ni President-elect Biden, na hindi papayagan ng mga Amerikano ang mga pagtatangkang ibahin ang resulta ng eleksyon.

© Agence France-Presse

 

Please follow and like us: