‘Trusted build’ isinagawa ng US-based international certification firm sa automated election system na gagamitin sa halalan 2022
Isinailalim sa ‘trusted build’ ng US- based na international certification agency ang source code o voting software program na gagamitin sa May 2022 elections.
Ang proseso ay ini-livestream ng COMELEC sa Facebook page nito.
Umabot ng walong oras ang trusted build na isinagawa ng kumpanyang Pro V&V Inc. sa Alabama, USA.
Layon nito na na matiyak ang integridad ng automated election system.
Ayon sa poll body, ang nasabing proseso ang pinal na hakbangin sa pag-assemble sa software system na gagamitin sa halalan.
Paliwanag pa ng COMELEC, ang trusted build ay ang proseso kung saan ang ikino-convert ang source code sa machine-readable binary instructions.
Kabilang sa sinuri na source code ay ang sa election management system.
Sa ilalim ng batas, ang AES ay kailangang rebyuhin at sertipikahan ng international certification agency.
Moira Encina