TS Agaton, mabagal na kumikilos sa baybayin ng Balangiga, Eastern Samar; 4 na lugar nasa ilalim ng Signal No. 2
Patuloy ang mabagal na pagkilos ng Tropical Storm Agaton sa karagatan ng Balangiga, Eastern Samar.
Sa 2:00 pm bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang mga sumusunod:
- Central at southern portions ng Eastern Samar (Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Llorente, Balangiga, Lawaan, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan);
- Central at southern portions ng Samar (Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, Hinabangan, Calbiga, San Sebastian, Villareal, Pinabacdao, Santa Rita, Basey, Talalora, Daram, Zumarraga, Marabut);
- northeastern portion ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga, Alangalang, Tacloban City, Santa Fe, Pastrana, Palo, Tanauan, Tolosa, Dulag, Mayorga); at
- Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)
Nasa TCWS No. 1 naman ang mga sumusunod na lugar:
Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan);
- nalalabing bahagi ng Eastern Samar;
- nalalabing lugar sa Samar;
- Northern Samar;
- Biliran;
- nalalabing bahagi ng Leyte;
- Southern Leyte;
- northern portion ng Cebu (Borbon, Tabogon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands) kabilang ang Camotes Islands
- Surigao del Norte at nalalabing bahagi ng Dinagat Islands
Samantala, nag-anunsyo ng class suspension ang ilang lugar sa Visayas dulot ng bagyong Agaton.
Suspendido, bukas, Abril 11 ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maasin, Southern Leyte.
Please follow and like us: