Signal no. 2, itinaas na rin sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Tropical Storm Maring
Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Maring sa Silangan ng Hilagang Luzon.
Sa weather bulletin ng PAGASA kaninang 4:00 pm, namataan ang sentro ng bagyo sa 645 km. Silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 km/h at pagbugso ng hanggang 105 km/h.
Pa-Kanluran, Hilagang-Kanluran ang pagkilos nito sa bilis na 20 km/h.
Dahil sa malawak na sirkulasyon ng hangin na taglay ng bagyo ay nagtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, the northern portion of Isabela (Santa Maria, Quezon, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Ilagan City), Apayao, the northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk), and the northeastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi).
Ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng napakalakas na hangin sa susunod na 24 oras.
Samantala, TCWS No.1 ang mga sumusunod na lugar:
The rest of Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, the rest of Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the rest of Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, the northern and central portion of Aurora (Dilasag, Dinalungan, Casiguran, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Pantabangan, San Jose City), and Catanduanes Eastern Samar, the eastern portion of Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos), and the Eastern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Hinabangan, Paranas)
Nananatili namang nakataas ang Gale warning sa ilang baybayin sa bansa kaya pinagbabawalan munang pumalaot lalu na ang mga may maliliit na sasakyang pandagat.