Tsaa, hindi dapat na nilalagyan ng gatas ayon sa mga eksperto
Mayaman sa antioxidants ang black tea.
Ang antioxidants ay may malaking maitutulong upang hadlangan ang pamamaga ng alinmang bahagi ng katawan na nagbubunga ng malalang sakit.
Ayon sa mga eksperto, hindi dapat na haluan ng gatas ang tsaa, ito ay dahil sa hindi masisipsip ng katawan ang antioxidants dahil hahadlangan ito ng milk protein.
Habang, ang Calcium naman na idinudulot sana ng gatas sa katawan ay hindi naman masisipsip ng katawan dahil hinaharangan naman ito ng caffeine.
Payo pa ng mga eksperto, mas mainam na haluan ng lemon o calamansi ang tsaa dahil lalo nitong palalakasin ang antioxidants na taglay ng tsaa.
Ulat ni: Anabelle Surara