Tuberculosis, nananatiling World’s Deadliest Infectious killer – WHO
..
Mahigit sa 500,000 katao sa buong mundo ang dinadapuan ng Tuberculosis o TB taun-taon.
Sa Pilipinas, 60 katao naman ang namamatay araw-araw sa kabila na ang TB ay nagagamot.
Samantala, sa paggunita ng World TB day, hiniling ng ilang health advocates na mataasan pa ang Tobacco taxes para matamo ang TB-free Philippines.
Paliwanag ni Dra. Maricar Limpin ng Action on Smoking and Health Philippines, kung matataasan ang buwis sa sigarilyo, mas malaki ang posibilidad na mabawasan rin ang mga taong naninigarilyo.
Kung mababawasan ang mga taong naninigarilyo, malaki din ang posibilidad na matamo ng Pilipinas ang TB-free Philippines.
Ulat ni Belle Surara