Tuguegarao city, muling isinailalim sa ECQ simula ngayong araw, Aug. 12
Nagsimula nang isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Tuguegarao city sa Cagayan ngayong araw, August 12 at magtatapos hanggang sa August 21, 2021.
Ayon sa Public Information Office ng lungsod, ito ay matapos makapagtala sila ng mataas na Average Daily Attack rate (ADAR) na 31.80%.
Ito ang pinakamataas na ADAR mula sa mga probinsiya at lungsod sa buong Region 2.
Nakapagtala rin ang lungsod ng 9 mga namatay sa isang araw lamang.
Dahil nasa ilalim ng ECQ, ilan sa mga panuntunan na ipinatutupad sa lungsod batay sa Executive Order No. 98 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano:
1. Inaabisuhan ang publiko na MANATILI LAMANG SA BAHAY dahil tanging ESSENTIAL TRAVELS lamang ang pinahihintulutan.
2. Strikto pa rin na oobserbahan ang paggamit ng COVID SHIELD CONTROL PASS. Para sa mga kawani ng gobyerno, frontliners, at mga miyembro ng academe ay maari na lamang i-presenta ang inyong mga ID at sertipikasyon galing sa head of agency o HRMO na kasapi kayo sa workforce na kailangang magreport sa trabaho habang ECQ.
3. Pinahihintulutan pa rin ang BACKRIDING ngunit kailangan ng Barangay Certification na magsasabing ang drayber at sakay nito ay nakatira sa iisang bahay lamang.
4. Suspendido pansamantala ang operasyon ng kahit anumang PUBLIC TRANSPORTATION.
5. Mahigpit na ipapatupad ang LIQUOR BAN kung saan bawal ang pagbili at pagbenta ng mga nakalalasing na inumin lalong lalo na ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.
6. Ipinagbabawal rin ang MASS GATHERINGS habang limitado lamang sa virtual ang lahat ng Religious Gatherings liban lamang sa burial.
7. Magsisimula ng 8:00PM hanggang 5:00AM ang CURFEW Hours.
8. Ang mga TALIPAPA ay pinapayagan na mag-operate araw-araw maging ang mga naitalagang SATELLITE MARKETS.
9. Limitado lamang sa TAKE-OUT at DELIVERY ang mga kainan o restaurants.
10. Mananatili at tuloy-tuloy pa rin ang Vaccination Schedule habang nasa ECQ.