Tuguegarao City Price Coordinating Council, inispeksiyon ang mga pamilihan sa Lungsod
Nagsagawa ng inspeksyon ang Tuguegarao City Police Coordinating Council, katuwang ang mga kinatawan mula sa Dept. of Trade and Industry (DTI), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Dept of Agriculture (DA), National Meat Inspection Service (NMIS) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), upang tiyakin na nasusunod ang tamang presyo ng mga paninda sa Tuguegarao City Commercial Center, mga sattelite market at mga talipapa.
Ito ay isinagawa sa mga brangay ng Ugac, Atulayan at Pengue-Ruyu.
Matatandaan na inaprubahan ng Eight City Council ang ordinansang magmamando sa mga negosyante at mga nagtitinda sa mga pampublikong pamilihan, na maglagay ng price tag sa kani-kanilang mga panindang produkto.
Nakapaloob sa City Ordinance No. 05-08-2021, na ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa o parusa.
Ulat ni Nhel Ramos