Tulfo, Pacquiao, Marcoleta nanguna sa PAPI survey sa pagka-senador
Nanguna sa isang survey sa pagkasenador sina Erwin Tulfo ng ACT-CIS, dating senador Manny Pacquiao at SAGIP partylist representative Rodante Marcoleta.
Si Tulfo ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist at deputy majority leader ng House of Representatives ay nanguna sa Top 20 mula sa survey ng Publishers Association of the Philippines, Inc. o PAPI na isinagawa noong Disyembre 16 hanggang 22, 2023.
Pumangalawa sa kanya si boxing icon Manny Pacquiao na sinundan naman ni Marcoleta ng Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty (SAGIP) partylist.
Ang mga respondent ay 1,500 mula sa mga driver at Operators ng transport groups na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP, Samahan ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas (STOP) at Confederation of Passenger Transport in Central, Inc. (CPTCL).
Sa naturang survey ay nasa pang-apat na puwesto si Senador Imee Marcos na sinundan ni dating Senador Tito Sotto. Pumang-anim naman si dating Pres. Rodrigo Duterte. Malayang pinapili ang mga respondent sa mga pangalang tatakbo sa senado.
Sumunod sa talaan sina Senators Lito Lapid, Christopher Lawrence “Bong” Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, Ramon “Bong” Revilla Jr. Sa ika-11 puwesto ay si dating vice president Leni Robredo na sinundan ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Pang 13 naman si Sen. Pia Cayetano, Secretary Benhur Abalos ng Dept. of the Interior and Local Government (DILG) at dating Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno para sa ika-15 puwesto .
Samantala, humabol sa ika-16 puwesto si Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro ng Dept.of National Defense at sinundan ni dating Sen. Mar Roxas, Sen. Francis Tolentino, ang dating spokesman ni Pres. Duterte, na si Harry Roque at nasa ika-20 puwesto ay si dating Sen. Gregorio “Gringo” Honasan.