Tulong ng gobyerno sa mga maaapektuhan ng bagyong jolina,tiniyak ng Malakanyang
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tutukan ang mga lugar na dadaanan ng Bagyong Jolina.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na naka-preposition na ang lahat ng mga kakailanganin para sa pagtugon sa pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ayon kay Roque nakahanda na ang mga food packs and non- food items na mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ganun din ang mga equipments ng Department of Public Works and Highways o DPWH at mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC sa pakikipagtulungan ng mga local government units o LGU’s ng mga apektadong lugar ng Bagyong Jolina kaugnay ng isasagawang relief at rescue operations.
Inihayag ni Roque nakahanda narin ang mga evacutation centers na pagdadalhan sa mga residenteng tatamaan ng Bagyong Jolina.
Umapela si Roque sa mga dadalhin sa mga evacuation centers na panatilihin ang pagsunod sa standard health protocol na palagiang pagsusuot ng facemask, faceshield, paghuhugas ng kamay at physical distancing upang maiwasang mahawa ng COVID 19.
Vic Somintac