Tulong ng Interpol para matunton ang Big time drug lord na si Peter Lim, hindi pa kailangan – ayon sa DOJ

 

 

Wala pang nakikitang pangangailangan ang DOJ para hingin ang tulong ng International Criminal Police Organization o Interpol upang matunton ang kinaroroonan ang itinuturong drug lord na si Peter Go Lim.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, masyado pang maaga para ialerto ng Pilipinas ang Interpol ukol sa Lim.

Sinabi ng kalihim na walang record na nakaalis na ang pugante ng bansa simula nang kasuhan ito sa Korte ng Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading noong Agosto.

Batay sa record ng Bureau of Immigration, ang huling alis sa bansa ni Lim ay noong Marso at ito ay bumalik din pagkatapos ng apat na araw.

Una nang inihayag ni Guevarra na magbibigay ang pamahalaan ng kalahating milyong pisong pabuya sa sinoman na makapagtuturo ng kinaroroonan ni Lim.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *