Tulong ng national government sa mga biktima ng pagaalburuto ng Mt. Mayon, sapat – NDRRMC
Nanindigan ang NDRRMC na sapat ang tulong na ipinapadala ng national government sa lalawigan ng Albay sa gitna ng patuloy na pagaalburoto ng bulkang Mayon.
Sa harap na rin ito ng pahayag ni Albay Governor Al Francis Bitchra na kinakapos na sila ng supplay para sa mga evacuee
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, maraming silang supply ng food at non food items sa provincial at regional office ng dswd habang patuloy din ang pagbuhos ng tulong mula sa national level.
Sa katunayan,aabot na umano sa 26, 876,683 pesos ang kabuuang halaga ng food at non food items na naipagkaloob sa mga apektadong residente.
Kaya naman hindi alam ni Marasigan kung saan nagmumula ang komento ng gobernador.
Pero kung ang gusto ng gobernador ay cash assistance mula sa NDRRMC at hindi ito maaring gawin ng ahensya dahil labag ito sa sinusunod nilang protocol.
Tiniyak din ni Marasigan na kakayanin nila ang pagbibigay ng tulog sa mga evacuee kahit pa abutin nang hangang tatlong buwan ang pagaalburoto ng bulkang Mayon.
Sa kasalukuyan,aabot na sa 7,455 na pamilya o nasa 28,846 na indibidwal ang nananatili sa evacuation center habang
1,518 na pamilya naman o nasa 6,850 na indibidwal ang inilikas ngunit nananatili sa kanilang mga kamag anak.
Mula sila sa bayan ng Camalig, Ginobatan, Ligao, Daraga, Malilipot, Tabaco, Sto.Domingo at Legaspi city.
Dahil sa patuloy na pagbubuga ng abo ng bulkan,nagkusa na rin ang ilang lokal na pamahalaan na palikasin ang mga residente sa loob ng 9km danger zone.
Ulat ni Mar Gabriel