Tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal, nakahanda na – PRRD
Nakaposisyon na ang tulong ng pamahalaan para sa mga residenteng apektado ng pag- aalburuto ng bulkang Taal.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa naman maituturing na grave concern ang aktibidad na ipinakikita ngayon ng bulkang Taal subalit kung lalala ang sitwasyon ay handa ang pamahalaan.
Ayon sa Pangulo pangunahing mag-aasikaso ng pangangailangan ng mga apektong residente ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inihayag ng Pangulo na mayroon nang naka-preposition na tulong sa mga warehouse ng DSWD sa lugar para sa kakailanganing tulong.
Tiniyak ng Pangulo na walang dapat ipag-alala ang mga residenteng apektado ng aktibidad ng bulkang Taal dahil kumikilos na hindi lamang ang lokal na pamahalaan maging ang iba pang ahensiya ng gobyerno partikular ang National Desaster Risk Reduction Management Council.
Vic Somintac