Tuluyang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa, napapanahon na dahil sa pagdating ng mga anti-Covid vaccine
Napapanahon nang isailalim sa pinakamaluwag na Quarantine classification ang bansa ngayong nagsimula na ang Vaccination program ng gobyerno.
Ito ang pananaw ni Dr. Henry Lim Bong Lion, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI).
Aniya, bagamat nagpapasalamat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpapatupad ng lockdown upang maingatan ang buhay at kalusugan, kailangang magpatuloy na ang mga negosyo sa bansa para makabalik na rin sa hanapbuhay ang mga nawalan ng trabaho.
Kumpiyansa si Bong Lion na muling magbabalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 60 araw dahil mayroon nang bakuna.
Mahigit din kasi aniya sa 100 iba’t-ibang business organization ng mga Filipino-Chinese sa bansa ang naapektuhan dahil sa ipinatutupad na Quarantine.
Nakakapangamba rin aniya ang magiging epekto sa Tax collection ng bansa sa mga darating na panahon kung hindi tuluyang magbubukas ang ekonomiya.
“We are really feeling the pain and billions of billions of loss just because of this quarantine. But right now, with the advent of this vaccines coming in, its about time that we open our economy. Siguro kahit hindi ngayon kahit in the middle of March or end of this month or middle of this year dapat magbukas na tayo”.