Tumatakbong mayor sa Quezon City na si Bingbong Crisologo at anak na si Atty. Edrix Crisologo, inaresto dahil sa umanoy vote buying
Inaresto ng QCPD Station 3 ang tumatakbong alkade ng QC na si Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo kasama ng kaniyang anak na si Atty. Edrix Crisologo ilang oras bago ang eleksyon.
Sa isinagawang raid ng Station 3 na pinangunahan ni PCol. Alex Alberto sa #6 Aqueda St. Brgy. Bahay Toro ay inaresto ang tumatakbong alkalde sa bahay ng kagawad na kaalyado ng grupo at maging ang ilang mga taga suporta sa diumanoy vote buying.
Dinala sa Camp Karingal ang mag-ama at ang ilang mga taga suporta ng grupo para sa paunang imbestigasyon.
Kinontra naman ng ilang mga taga suporta ni Crisologo ang hinihinalang vote buying dahil mga poll watchers sila na sinasanay bago ang eleksyon.
Matatandaan na isa sa mahigpit na kalaban ni Crisologo si Vice Mayor Joy Belmonte na parehas na tumatakbong alkalde ng QC.
photo courtesy of Michael Tan Defensor
Ulat ni Ian Jasper Ellazar