Tunay na oposisyon sa Kamara dapat umanong pairalin ngayong 18th Congress
Umapila si Albay Cong. Edcel Lagman sa tinaguriang Supermajority sa Kamara na hayaang magkaroon ng tunay na minorya sa Mababang kapulungan pagsapit ng 18th Congress.
Nangangamba si Lagman na maulit na naman ang aniya’y majority’s minority kung saan ang nauupong minority leader ay kaalyado rin ng mayorya, kagaya umano ng nangyari nitong 17th Congress.
Tiniyak naman ni Lagman na hindi sila magiging “obstructionist” sa oposisyon at makikipagtulungan sa mayorya lalo na sa pagsusulong ng mga panukala para sa kapakanan ng publiko.
Kasabay nito, sinabi ni Lagman na isa siya sa pinagpipilian ng kanilang hanay sa oposisyon para lumahok sa House Speakership race sa 18th Congress.
Pero ang layon aniya nito ay makuha ang puwesto bilang House minority leader.
Ulat ni Madz Moratillo