Turismo ng bansa tumaas ayon sa DOT
Umangat sa 12.7 percent ang turismo ng bansa sa kabila ng idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Sa panayam ng Usapang Pagbabago , sinabi ni Department of Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre , mas mataas ito kumpara sa naitalang datus noong 2016 para sa buwan ng enero hanggang hunyo ngayong taon.
“12.7 percent ang inangat po ng mga dumating na turista mula January hanggang June 2017 at itoy inisyal na report pa lamang yan at in the next few days irerelease na po natin ang detalye kung ilan at kung saan nanggaling ang mga turista na umakyat pa compare last year dispite the declaration of martial law last may”. – DOT Asec. Alegre
Inihayag pa ni Alegre na asahan na lalo pang tataas ang bilang ng mga turistang darayo sa bansa sa sandaling magsimula na ang bagong programa ng DOT na invite home a friend .
Sa pamamagitan ng naturang programa , iimbitahan lamang ng Pinoy ang kanilang mga dayuhang kaibigan o kakilala na bumisita sa ibat ibang lugar sa bansa .
Gagamitin ang DOT website at social media para ikampanya ang naturang programa ng ahensya.
“Abangan niyo na within the next week lalabas ang mechanics niyan at kausap na ni secretary wanda teo ang airlines kausap narin niya ang mga hotel operators infact nagmeeting kami sa dot at mgatransport grps dahil inaasahan namin ang pagdagsa sa Pilipinas”. -DOT Asec. Alegre
Ulat ni: Marinell Ochoa