Turismo sa Northern Mindanao, unti-unti nang sumisigla
Ngayong nagsimula nang magluwag ang bansa sa health protocols at travel restrictions ay dahan na dahan na rin na nakababangon ang industriya ng turismo sa Northern Mindanao o Region 10.
Ang rehiyon ay binubuo ng limang probinsya ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Optimistiko si Department of Tourism Region 10 Regional Director Marie Elaine Unchuan na maabot nila sa pagtatapos ng taon ang tatlong milyong tourist arrivals na naitala noon sa rehiyon bago mag pandemya.
Isa aniya sa mga nakatulong nang malaki para makahikayat ng mas maraming turista na bumisita at magpabalik-balik sa rehiyon ay ang inilunsad ng dot na “colors of mindanao” campaign.
Layon nito na mahimok ang mga thrill- seekers, history buffs, nature lovers at foodies na magbiyahe sa rehiyon.
Bahagi ng kampanya ang pagtukoy ng DOT sa tourism circuits sa rehiyon para dayuhin ng mga turista.
kabilang na rito ang Cagayan de Oro-Bukidnon Agri at Eco tourism circuit.
Ang CDO na kilalang “the city of golden friendship” ang nagsisilbing jump off point sa mga tourists site sa rehiyon.
Maraming maiaalok sa mga turista ang CDO gaya ng beaches at resorts.
Nandito rin ang isang world class at pirate-themed na water park at resort na para sa pamilya at barkada.
Moira Encina