Turkey sisimulan nang gamitin ang Covid-19 vaccine ng China na Sinovac

ISTANBUL, Turkey (AFP) — Matatanggap na ng Turkey ang unang shipment ng Sinovac coronavirus vaccine ng China sa loob ng ilang araw, matapos lumabas sa preliminary domestic tests na ito ay 91% effective.

Sinabi ni Health Minister Fahrettin Koca, na sa loob ng susunod na uilang araw ay lalagda na rin ang Ankara ng kasunduan sa Pfizer/BioNTech para sa 4.5 million doses, at may opsyon na bumili ng 30 milyong karagdagan mula sa US pharmaceutical giant at sa German partner nito.

Unang tatanggap ang Turkey ng three million doses ng Sinovac at may opsyon ito para sa 50 milyong karagdagan, sa pagsisimula nila ng pagbabakuna sa susunod na buwan na ang uunahin ay healthcare workers at ang itinuturing na “most vulnerable.”

Sinabi ni Koca, na ang unang shipments ng Chinese ay ipadadala sa Turkey sa Linggo.

Sa preliminary tests sa 7,371 volunteers sa Turkey, lumitaw na ang Chinese vaccine ay 91.25 per cent effective, bagamat ang phase three tests ay hindi pa nakukumpleto.

Ayon kay Koca, mababakunahan ang 1.5 milyon o kahit pa dalawang milyon kada araw, at masasakop ng “first stage” ng pagbabakuna ang siyam na milyong katao.

Ang Turkey na may 83 milyong populasyon, ay opisyal nang nakapagtala ng 19,115 Covid-19 deaths at 2.2 million virus infections.


© Agence France-Presse

Please follow and like us: