Tutukan at pasiglahin ang sektor ng Agrikultura upang bumaba ang presyo ng bigas – Senador Pimentel
Haharangin rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang panukalang muling bigyan ng kapangyarihan ang National Food Authority para bumili at magbenta ng murang bigas.
Ayon kay Pimentel, hindi totoong bababa ang presyo ng bigas.
Ang mangyayari aniya isa subsidize o ang gobyerno ang sasagot sa magiging lugi sakaling magbenta ng mas murang bigas sa merkado .
kung seryoso aniya ang gobyerno na pababain ang presyo ng bigas dapat tutukan at pasiglahin ang sektor ng agrikultura lalo na ang industriya ng palay.
Iginiit ng Senador na hindi na dapat payagan ang NFA na mag-angkat at magbenta ng bigas dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng katiwalian.
Meanne Corvera