Twitter bibilhin ni Elon Musk
Kinumpirma ng Twitter na ibibenta na nito ang platform sa billionaire entrepreneur na si Elon Musk, sa isang kasunduan na nagkakahalaga ng $44 billion.
Ang pagbebenta sa pinaka maimpluwensiyang social media platforms sa buong mundo, ay isang dramatikong pagbabago para sa board na siyang nagmaniobra para harangin si Musk na gawin itong pribado.
Sa isang joint statement na nag-aanunsiyo sa takeover, sinabi ni Musk . . . “Free speech is the bedrock of a functioning democracy, and Twitter is the digital town square where matters vital to the future of humanity are debated.”
Ang Twitter ay kilala na nagsilbing megaphone para kay dating US president Donald Trump bago siya na-ban, at si Musk na nagpapakilalang “free-speech absolutist” ay nagsabing nais niyang baguhin ang nakikita niyang sobrang pag-moderate sa content ng platform.
Aniya . . . “I also want to make Twitter better than ever by enhancing the product with new features, making the algorithms open source to increase trust, defeating the spam bots and authenticating all humans.”
Gayunman, ang mga grupo ng adbokasiya ay nangangamba sa uri ng content na maaaring payagan ni Musk sa platform.
Sa tweet ni Derrick Johnson, presidente ng NAACP civil rights organization ay nakasaad . . . “Do not allow Twitter to become a petri dish for hate speech, misinformation or disinformation. Protecting our democracy is of utmost importance.”
Ayon naman kay White House Press Secretary Jen Psaki . . . “No matter who owns or runs Twitter, President Joe Biden himself a Twitter user is concerned about the power of large social media platforms.”
Ang stock ng Twitter ay nagsara ng 5.6 porsiyentong mas mataas sa New York trading.