Typhoon ‘Betty’ bumagal habang kumikilos pa-silangan ng Luzon
Muling bumagal ang pagkilos ng Typhoon Betty.
Bagama’t hindi na inaasahang tatama sa kalupaan, pinaghahanda pa rin ng state weather bureau PAGASA ang mga nakatira sa dulong Northern Luzon dahil sa lawak ng ulap na dala ng bagyo.
Sa 11:00 a.m. bulletin, sinabi ni Cris Perez, assistant weather service chief at spokesman ng PAGASA na malakas na pag-ulan pa rin ang aasahan simula Lunes hanggang Biyernes dahil na rin sa pina-igting na southwest monsoon o Habagat.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely, especially in the areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days,” ayon pa sa bulletin ng PAGASA.
Sa ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng Typhoon Betty sa layong 715km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at kumikilos pa kanluran sa bilis na 15 kph, taglay ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at pagbuso na nasa 215 kph.
Simula bukas, Lunes hanggang Martes, tinatayang nasa 100-200 millimeters ng ulan ang bubuhos sa eastern portion ng Babuyan Islands ant northeastern portion ng mainland Cagayan, sa kabuuan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra at Benguet.
Higit naman sa 200 mm ng ulan ang inaasahang bubuhos sa Batanes, Babuyan Islands at northern portion ng Ilocos Norte.
Muli namang nagpa-alala ang PAGASA sa publiko na ugaliing sumubaybay sa advisory ng PAGASA habang papalabas ang Bagyong Betty sa Philippine area of responsibility (PAR).
Vic Somintac