‘Typhoon Betty’ napanatili ang lakas habang kumikilos sa Silangan ng Northern Luzon
Image courtesy of PAGASA-DOST
Matapos ibaba ang kategorya ng bagyong Betty (may international name na Mawar) sa isang typhoon, napanatili nito ang lakas habang kumikilos pa-silangan ng Northern Luzon.
Sa 5:00am bulletin ng state weather bureau PAGASA, ini-ulat na patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang bahagi ng northern Luzon hanggang sa Martes ng umaga na may dami ng ulan na aabot sa 200 millimeters.
Tinatayang higit naman sa 200mm ng ulan ang mararanasan ng Batanes, Babuyan Islands, at northern portion ng Ilocos Norte dahil sa bagyong Betty mula Martes hanggang Miyerkules.
Isinailalim din ang mga sumusunod na lugar sa Tropical Storm Wind Signal 1:
- Batanes
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Isabela
- Apayao
- Ilocos Norte
- Northern at central portions ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney)
- Kalinga
- Eastern at central portions ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc)
- Eastern at central portions ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo)
- Northern at central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
- Quirino at ang northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
“Minimal to minor impacts caused by strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are possible within any of the areas where Tropical Cyclone Wind Signal No.1 is currently in effect. Such conditions may begin tonight or tomorrow,” ayon sa advisory ng PAGASA.
Ang Tropical Storm Wind Signal no.2 ang pinakamataas na signal na inaasahan pero ang Tropical Storm Wind Signal no. 3 ay nananatili sa isang worst-case scenario.
Kikilos ang Typhoon Betty sa kanluran hilagang-kanluran hanggang bukas habang unti-unting humihina.
Inaasahang magiging mabagal ang kilos ng bagyo hanggang sa stationary pagsapit ng Martes habang nasa karagatan ng Batanes.
Kikilos ito pa hilang kanluran o hilaga hilagang-kanluran sa hapon ng Miyerkules o Huwebes patungong silanang karagatan ng Taiwan.
“This typhoon will likely remain as a typhoon throughout the forecast period, although it is expected to gradually weaken until Tuesday. Afterwards, increasingly unfavorable environment while moving northward or north northeastward on Wednesday or Thursday will result in a faster weakening rate. Betty may be downgraded to severe tropical storm category on late Thursday or early Friday,” ayon pa sa PAGASA.
Sa forecast, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 815 km sa silangan ng Northern Luzon, kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour (kph) taglay ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 215 kph.
Pina-igting din ng Typhoon Betty ang southwest monsoon o Habagat.
Sa advisory ng PAGASA makakaranas ng pag-ulan dulot ng Habagat ang kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas mula Lunes hanggang MIyerkules.
Simula mamayang gabi hanggang Lunes ng umaga, inaasahang magdudulot din ng pabugso-bugsong ulan ang Habagat sa malaking bahagi ng Visayas, estern portion ng Central Luzon, eastern at southern portion ng Southern Luzon at sa northern portion ng Mindanao.
Weng dela Fuente