Typhoon Kiko, lalu pang humina habang tumatawid sa karagatan ng Itbayat, Batanes
Lalu pang humina ang Typhoon Kiko habang tumatawid sa karagatan ng Itbayat, Batanes.
Sa 5:00 pm weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 230 kph.
Kumikilos ito pa-Hilaga, Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kph.
Nananatiling nakataas ang Signal no. 4 sa Hilagang bahagi ng Itbayat, Batanes habang Signal no. 3 sa nalalabing bahagi ng Batanes.
Signal no. 2 naman ang nakataas sa Notheastern portion ng Babuyan islands.
Habang signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan islands.
Pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyang pandagat na iwasan munang pumalaot dahil sa magiging maalon ang mga baybayin ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Western coast ng Palawan.
Sa Lunes pa inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo patungo sa Eastern portion ng Taiwan area.
Samantala, ang Metro Manila, Calabarzon, Zambales, Bataan, Mindoro provinces, Palawan at nalalabing bahagi ng Ilocos region ay patuloy na makararanas ng mga pag-ulan dahil sa mas pinalakas na habagat na hinahatak ng bagyong Kiko.