Typhoon Rolly, lalu pang lumakas habang nasa East Philippine sea
Lalu pang lumakas ang typhoon Rolly na nasa bisinidad na ng East Philippine Sea.
Sa latest weather bulletin ng Pag-Asa DOST kaninang alas-11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 1,100 kilometers Silangan ng Gitnang Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers kada oras at pagbugso ng hanging aabot sa 205 kilometers per hour.
Habang papalapit ito ng Philippine Area of Responsibility ay lalu pa itong lalakas.
Mula Linggo hanggang Lunes ay babaybay ng kalupaan ang bagyo kaya asahan ang masungit na panahon sa Gitnang Luzon kasama ang Metro Manila, Calabarzon at Bicol region.
Inaasahang bukas ng umaga, Sabado ay nasa layo na itong 815 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.
Pagsapit ng Linggo, inaasahang nasa layong 210 kilometers Silangan ito ng Daet, Camarines Norte.
Sa Martes ng umaga, inaasahang nasa labas na ng bansa ang bagyo o nasa 515 kilometers West ng Dagupan city, Pangasinan.
Pinag-iingat ang publiko sa magiging epekto ng bagyong Rolly.
Sa ngayon, nakataas ang Gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan islands, Ilocos provinces, Isabela, Aurora, Eastern coast ng Quezon kasama ang Polilio islands, Northern coast ng Camarines provinces, Northern at Eastern coast ng Albay at Catanduanes.
Samantala, ang Tropical storm Astani na kasalukuyang nasa layong 2,500 kilometers East ng Mindanao ay inaasahang papasok ng bansa sa Linggo o Lunes.