Typhoon Rolly, tinatahak na ang Batangas-Cavite area; Mapaminsalang hangin at malakas na ulan, inaasahan sa susunod na 12 oras
Patungo na ng Southeastern Coast ng Batangas ang Bagyong Rolly.
Magdadala pa rin ito ng malalakas na hangin at ulan sa susunod na 12 oras sa Batangas at Cavite Province.
Huling namataan ang sentro ng bagyo, 50 km South, Southwest ng Tayabas, Quezon o 70 km south ng Metro Manila.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kph at pagbugsong aabot sa 230 kilometer per hour.
Kumikilos ito sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas ang Signal no. 3 sa mga sumusunod na lugar:
Sa southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Narciso, Subic, Olongapo City, Castillejos, San Antonio), Bataan, the southern portion of Pampanga (Floridablanca, Guagua, Minalin, Apalit, Macabebe, Masantol, Sasmuan, Lubao), the southern portion of Bulacan (Baliuag, Bustos, Angat, Norzagaray, San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Malolos City, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan City, Obando, Bulacan, Paombong, Hagonoy), Rizal, Quezon including Polillo Islands, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Marinduque, the northwestern portion of Occidental Mindoro (Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island, and the northern portion of Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Victoria, Naujan Lake, Pola, Socorro).
Signal number 2 sa nalalabing bahagi ng Zambales, Pampanga, nalalabing bahagi ng Bulacan, southern portion of Tarlac (Concepcion, Capas, Bamban), the rest of Occidental Mindoro, the rest of Oriental Mindoro, at ang southern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gapan City, Peñaranda, San Leonardo, Jaen, San Isidro, Cabiao, San Antonio).
Signal no. 1 sa Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, the rest of Aurora, the rest of Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Tarlac, Camarines Sur, Camarines Norte, Burias Island, Romblon, and Calamian Islands Asahan pa ring magdadadala ang bagyong rolly ng heavy to intense rain sa CALABARZON, Metro Manila, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces, Bataan, Bulacan, Aurora, kasama na ang eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.
Habang moderate to heavy rains naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, at sa nalalabi pang bahagi ng mainland Cagayan Valley and Central Luzon. Light to moderate rains naman ang iiral sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Western Visayas at sa ilan pang nalalabing bahagi ng Luzon.