Typhoon Shanshan pinaghahandaan na ng Japan

High waves are observed along the shore as Typhoon Shanshan approaches southwestern Japan in Makurazaki, Kagoshima Prefecture, Japan August 28, 2024, in this photo taken by Kyodo. Mandatory credit Kyodo/via REUTERS

Pinaghahandaan na ng Japan ang pagdating ng Bagyong Shanshan, na ayon sa forecast ay magdadala ng malalakas na ulan at hangin, sanhi upang kanselahin ng mga airline at railways ang kanilang serbisyo para sa darating na mga araw.

Si Shanshan ay inaasahang tatama sa southwestern Kyushu island ng Japan sa susunod na ilang araw, at ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), maaaring magpalabas sila ng isang special warning sa Kagoshima prefecture.

Babala ng JMA, “Maximum caution is required given that forecasts are for strong winds, high waves and high tides that have not been seen thus far.”

Ayon sa JMA, ang bagyo ay inaasahang lalapit sa central at eastern regions ng Japan, na kinabibilangan ng Tokyo, kabisera ng bansa, pagsapit ng weekend.

Plano ng ANA Holdings na kanselahin ang 110 domestic flights ngayong Miyerkoles na nakatakdang umalis mula o dumating sa southwestern Japan.

Ayon sa public broadcaster na NHK, maaapektuhan nito ang humigit-kumulang sa 4,200 mga pasahero.

Sinabi naman ng karibal nitong airlines na Japan Airlines, na plano nilang magkansela ng 80 domestic flights simula ngayong Miyerkoles hanggang Biyernes.

Ayon pa sa ulat ng NHK, ilang Shinkansen bullet train services sa lugar ang inaasahan din na magkakansela ngayong araw at bukas, Huwebes.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *