U.S. Embassy magkakaloob ng P7.5M grant para sa rehabilitasyon ng Baguio Museum

Inanunsiyo ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na susuportahan nito ang rehabilitasyon ng Baguio Museum sa pamamagitan ng Php 7.5 million ($133,526) grant.

Sa muling paglulunsad ng Baguio Museum, sinabi ni Carlson na ikinalulugod nila na maging bahagi ang embahada sa hakbangin ng museo para maipreserba ang mga lokal na cultural treasures.

Ang grant ay magmumula sa Ambassador’s Fund for Cultural Preservation (AFCP) ng U.S. State Department.

Sinabi ng U.S. Embassy na ang pondo ay gagamitin para mapalawig ang kakayanan ng Baguio Museum na maprotektahan at mapangalagaan ang mga ethnographic and cultural collection nito.

Gayundin sa pagpopondo sa installation ng climate control at monitoring equipment,  organization of exhibits, at staff training sa preventive conservation, collection management, at curatorship.

Ang Baguio Museum na itinatag noong 1977 ang nangangalaga sa cultural artifacts ng pitong major tribes ng Cordilleras at nagsisilbing hub ng cultural at educational activities sa summer capital ng bansa.

Moira Encina

Please follow and like us: