U.S. nagbigay ng P1.6M halaga ng disaster relief at medical supplies sa Palawan
Natanggap na ng Palawan provincial government ang donasyong disaster relief tents at medical supplies mula sa U.S. Embassy Civil Affairs Team.
Ayon sa U.S. Embassy, nagkakahalaga ng P1.6 million ang mga donasyon para suportahan ang humanitarian assistance at disaster relief preparedness sa Palawan.
Isinakay ang mga suplay sa hospital ship ng Amerika, ang USNS Mercy.
Ang USNS Mercy ay nakadaong sa Pilipinas mula pa noong Hulyo 27 para lumahok sa Pacific Partnership 2022 na pinakamalaking annual multilateral humanitarian assistance at disaster preparedness exercise sa Indo-Pacific region.
Pinasalamatan naman ng Palawan provincial government ang U.S. sa mga suplay na malaking tulong sa disaster readiness efforts ng lalawigan.
Moira Encina