U.S. Secretary of State, bibisita sa Pilipinas sa Aug.5-6
Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si U.S. Secretary of State Antony Blinken mula Agosto 5 hanggang 6.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ito ang unang pagbisita sa bansa ni Blinken mula nang maupo sa puwesto noong Enero 2021.
Ito rin ang unang bisita ng isang U.S. Secretary of State mula noong 2019 sa pagbisita ni dating Secretary Mike Pompeo.
Habang nasa bansa ay makikipagkita si Blinken kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Inaasahang tatalakayin ni Blinken ang bilateral efforts para mapalakas ang alyansa ng US at Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapaigting sa kooperasyon sa enerhiya, trade, at investment.
Moira Encina